Quality Apartments in Parañaque for Rent

Gusto mo bang malaman kung saan matatagpuan ang ilan sa mga pinakamagagandang mga apartment, simbahan at establishimento dito sa ‘Pinas? Kung ikaw ay interesado na malaman ang patungkol dito, tamang tama ang napili mong pagtuunan ng pansin kaibigan.
Inaanyayahan ka naming  alamin ang ilan sa mga sikat at talaga namang kilalang lugar na kung saan maraming mapagpipilian na apartment at condominium na tiyak na magaganda. Bongga!  Alam mo ba na maraming sikat na personalidad ang naninirahan sa Parañaque? Ilan lamang sa kanila ay ang mga beterano at beteranang aktor at aktres na sina Dolphy at Gina Pareño, sikat na TV hosts na sina Bianca Gonzales at Mariel Rodriguez, mahuhusay na mamamahayag na sina Ted Failon, Korina Sanchez, Karen Davila Pinky Webb at marami pang ibang kilalang personalidad. Pag dating naman sa shopping hindi pahuhuli ang naggagandahan at naglalakihan nilang malls at isa sa pinakasikat ang SM Sucat. Marami rin silang simbahan sa Parañaque na tulad ng United Methodist Church na matatagpuan sa Superville Subd. Sucat Parañaque, Mary Help of Christians Parish Church Better Living at marami pang iba. Kapag mga lugar ng atraksyon ang hanap mo, nariyan ang Asia World City na kung saan nagkaroon ng concert si Michael Jackson, The Cathedral Parish of Saint Andrew na tinaguriang pinakamatandang simbahan sa Parañaque at pinakamatanda ring simbahan sa Pilipinas, ang sikat na airport, Ninoy Aquino International Airport, Casino Filipino at marami pang iba.

Paranaque | Apartment for Rent
Kapag mga condominium naman ang ating nais alamin, aba, maraming magaganda sa Parañaque at ating bibigyang pokus ang isa sa mga pinakasikat na condo sa nasabing syudad. Nariyan ang Raya Garden Condominium na kung saan ito ay tinaguriang nag-iisang Balinese-inspired resort-residential condominium sa Parañaque na tiyak na ika’y mag-eenjoy sa magandang kapaligiran at ito’y malapit lamang sa lungsod. Kapag pinag-usapan natin ang features, meron silang studio unit, typical 2 bedroom special unit,typical 2 bedroom mid unit at typical 3 bedroom tandem unit. Saan naman matatagpuan ang Condominium? Iyon ay matatagpuan sa kahabaan ng West Service Road, Parañaque City at ilang minuto lamang ang layo nito mula sa Makati Central Business District at Bonifacio Global City. Malapit din yaon sa mga major thgroughfares na kabilang ang SLEX, EDSA at C5. Paano naman magtutungo doon? Piliin ang daan ng Edsa hi-way south bound at pag narating na ninyo ang Magallanes flyover, sundin ang daan patungo sa Nichols/SLEX. Diretsuhin mo lang at mag-exit sa Merville/ West Service Road at magdrive lang ng ilang metro at kumanan hanggang sa marating ang Raya Garden. Kapag sa C5 naman, piliin mo ang daan sa C5 South Bound, magtungo sa C5 flyover papunta sa SLEX southbound at pagkatapos ay mag-exit sa Bicutan at lumiko ka sa SM Bicutan patungong West Service road north bound at pagkatapos ay dumiretso ka lang at kumaliwa sa Raya Garden.  Malinaw ba kaibigan? Go go go! Drive na! Isa pang halimbawa ay ang Palm Grove na matatagpuan naman sa Better Living Subdivision na kilala bilang heart of Parañaque residential area.
Dali at huwag kang magpahuli at nang matamasa mo ang hinahanp mong tirahan. Para sa karagdagang impormasyon, magsearch lang sa internet para sa iba pang mga condominium at mga apartment for rent in Parañaque.

Other article/s:

0 comments:

Post a Comment